Ronnie Liang pumalag sa intriga kay Harry Roque

Nilinaw ng kampo ng singer na si Ronnie Liang na hindi totoong alaga siya ni dating presidential spokesman Harry Roque.

Nilinaw ng kampo ng singer na si Ronnie Liang na hindi totoong alaga siya ni dating presidential spokesman Harry Roque.

Matatandaang kamakailan ay muling pinagpiyestahan sa social media ang lumang video ni Roque, kung saan makikitang kasama niya si Ronnie.

Sa naturang video, makikitang nagtatawanan at nagkukulitan ang dalawa sa Dinagat Island, bilang bahagi ng vlog ni Roque na “The Spox Hour.”

Maririnig din sa pabirong sinabi ni Roque, “Maya-maya, tignan natin kung mapapa-topless natin si Ronnie Liang. Ako, magta-topless ako. See you later!”

Ayon sa abogado ni Liang na si Rafael Vicente Calinisan, nasa Dinagat Island ang singer upang mamahagi ng mga relief goods para sa mga biktima ng Bagyong Odette. Ito umano kasi ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang isang reservist.

Bukod pa riyan, hindi umano inaasahang magkikita ang dalawa, at dahil na rin sa taglay na kabaitan ay nakisama lang umano si Liang para sa vlog.

“Ronnie only chanced upon Atty. Roque after the humanitarian aid mission, during the tour of the island,” paliwanag ni Calinisan.

“The courteous and well-mannered person that he is, Ronnie gamely participated in the vlog of Atty. Roque,” dagdag pa nito.