Romualdez wapakels sa planong pagtakbong senador ng mga Duterte

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na bawat kwalipikadong Pilipino ay may karapatang tumakbo sa 2025 elections.

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na bawat kwalipikadong Pilipino ay may karapatang tumakbo sa 2025 elections.

Ipinahayag ito ni Romualdez matapos ianunsyo ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte, at Davao City First District Representative Paolo Duterte ay nagpaplanong tumakbo sa Senado.

Bukod pa riyan ay tatakbo rin si Baste bilang presidente sa 2028 national and local elections.

“It’s a democratic nation that we live in, so any Filipino has [a] right provided that they have the proper qualifications to seek for higher office,” saad ni Romualdez.

Samantala, nilinaw naman ni Romualdez na wala siyang plano na tumakbo bilang senador sa susunod na taon.