Romualdez: VP Sara ‘di pa lider ng oposisyon!

Hindi ikinukunsidera ni House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez na bahagi na ng oposisyon si Vice President Sara Duterte.

Hindi ikinukunsidera ni House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez na bahagi na ng oposisyon si Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ni Romualdez matapos kumalas sa administrasyon si Duterte nang magbitiw bilang kalihim ng Department of Education.

Ayon kay Romualdez, hihintayin niya ang pormal na anunsyo ni Duterte kung bahagi na ng oposisyon.

Ayon kay Romualdez, pananaw lamang ni dating Presidential spokesman Harry Roque ang pahayag nito na lider na ng oposisyon si Duterte

“Well I guess that’s Mr. Harry Roque’s statements, but then I guess we’ll just have to hear it from the VP, if and when the time comes for her to make statements or to make any policy or statements on policies of the national government,” pahayag ni Romualdez.

Iginagalang ni Romualdez ang pasya ni Duterte na talikuran ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.