Romualdez umayuda sa mga taga-Benguet: Kahit bundok aakyatin, walang maiiwan!

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpapamahagi ng P412 milyon na tulong pinansyal La Trinidad, Benguet para sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong Linggo.

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpapamahagi ng P412 milyon na tulong pinansyal La Trinidad, Benguet para sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ngayong Linggo.

Ayon kay Romualdez, kusang lumalapit ang iba’t ibang sangay ng gobyerno sa publiko para personal na makapaghatid tulong.

Kasama kasi ni Romualdez ang 70 participating national government agencies.

“Sa serbisyo fair na ito, kusa pong lumapit sa inyo ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan upang maghatid ng tulong na inyong kailangan tungo sa ating sama-samang pag-unlad,” saad nito.

Aniya, sisiguraduhin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang maiiwanan sa pag-angat ng kabuhayan.

“Ang mensahe po na pinaabot namin sa inyo ngayong araw: kahit bundok po aakyatin, para masigurado na wala pong maiiwan sa pagtataguyod natin ng Bagong Pilipinas,” dagdag pa nito.

Samantala, namahagi rin ng tulong si Romualdez sa ilalim ng mga programang Cash and Rice Distribution (CARD) Program, the Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth, at Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL).