Romualdez umapela sa Kamara: Tuloy ang trabaho, ‘wag magpadistract sa issues

Pinaalalahanan ni Speaker Martin Romualdez ang mga miyembro ng mababang kapulungan na manatiling nakatutok sa trabaho sa gitna ng sigalot sa ilang miyembro ng Senado.

Pinaalalahanan ni Speaker Martin Romualdez ang mga miyembro ng mababang kapulungan na manatiling nakatutok sa trabaho sa gitna ng sigalot sa ilang miyembro ng Senado.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin, sinabi rin ni Romualdez na huwag nang pumatol ang mga kongresista sa mga patutsada ibinabato sa kanila at sa halip ay mag-focus nalang sa paglilingkod.

“Ang sinabi niya ay tuluy-tuloy ang trabaho, wag magpa-distract at kung pwede tama na ‘yung mga… parang huwag patulan ‘yung away-away na mag-de-deviate,” ani Garin.

Kasunod ito ng napabalitang pagkakasundo ni Romualdez ag Senate President Juan Miguel Zubiri na isantabi ang hindi pagkakaunawaan at bumalik sa pagtatrabaho.

Hinikayat naman ni Garin ang mga miyembro ng Senado na sumunod sa napagkasunduang “ceasefire”.

“The Senate should walk the talk with due courtesy on them. Hangang-hanga po ako kay Senator Migs Zubiri. Pero kasi sa Kongreso, pag merong desisyon ang mayorya ang lahat sang-ayon sa ano ang dapat para sa ating mga kababayan,” ani ng kongresista.

“Minsan kasi sa Senado nako-confuse ka eh. Kung ‘yung napag-uusapan ba ay naka-cascade dun sa mga miyembro because that’s how leadership should be. So, maganda yun na nagkausap na si Speaker at ‘yung ating Senate President,” dagdag pa nito.

Matatandaang nagsimula ang hidwaan ng Senado at Kongreso dahil sa kontrobersiya sa Charter Change sa pamamagitan ng People’s initiative.