Romualdez umalma sa kumakalat na bigas na may pangalan niya

Ilegal umano ang pag-iimprenta ng kanyang pangalan sa mga ipinapamahaging bigas laan ng administrasyong Marcos para sa mga Pilipino, ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez.

Ilegal umano ang pag-iimprenta ng kanyang pangalan sa mga ipinapamahaging bigas laan ng administrasyong Marcos para sa mga Pilipino, ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez.

Kamakailan kasi ay nag-viral sa social media ang pagpapamahagi ng mga sakong bigas na may nakalagay na “Romualdez Rice.”

“We haven’t sanctioned that,” sabi ni Romualdez sa isang ambush interview sa Manila Golf and Country Club nitong June 24 sa Makati City.

Umaasa siya na maaayos ito at mapapanagot ang sinumang nagbibigay malisya sa programa ng gobyerno.

“So that will be rectified but the most important thing is that we bring rice to every Filipino table at affordable prices,” dagdag niya.

Pinamigay ang nasabing “Romualdez Rice” sa Tagum City, Davao kung saan para makakuha ng bigas ay kailangan tintahan ng asul ang hintuturo ng benepisyaryo.

Wala namang naiulat na pamimigay ng bigas ang Kamara sa Tagum City, Davao at lahat ng pinamimigay na limang kilong sako ng bigas ay walang pangalan ng house speaker batay sa mga litrato sa mga nagdaang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair events.