Romualdez tulay sa P5K ayuda sa mga magsasaka sa Leyte

Personal na nagtungo si House Speaker Martin Romualdez sa San Miguel, Leyte para mabigyang tulong pinansyal ang abot sa lampas 2,000 magsasaka.

Personal na nagtungo si House Speaker Martin Romualdez sa San Miguel, Leyte para mabigyang tulong pinansyal ang abot sa lampas 2,000 magsasaka.

Nagtungo ang lider ng Kamara, kasama sina Tingong Party-list Rep. Yedda Romualdez at Jude Acidre sa Leyte para ibigay ang P5,000 financial aid sa ilang magsasaka.


Parte ito ng Farmers’ Assistance for Recovery and Modernization (FARM) Program sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang naturang programa ay ang tugon ni Romualdez sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabilisang pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

“We established this program so the government can reciprocate your heroism in helping millions of Filipino families put food on the table. Para kay Pangulong Marcos Jr., mahalaga po ang bawat Pilipino at kasama kayong lahat doon,” ayon kay Romualdez.

Abot sa P10.22 million ang pondo na ibinigay sa mga farmer sa San Miguel, Leyte, kung saan nagmula ito sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD.