Romualdez: Trabaho dadami sa economic Cha-cha

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na mababawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho kapag nailatag na ang pagbabago sa economic provisions sa 1987 Constitution.

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na mababawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho kapag nailatag na ang pagbabago sa economic provisions sa 1987 Constitution.

Ito’y matapos maitanong kay Romualdez ang tungkol sa report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang unemployment rate sa bansa.

Mula 3.1 percent noong December 2023 ay naging 4.5 percent ito noong January 2024.

Paliwanag ni Romualdez, nagkakaroon talaga ng pagbabago sa datos ng PSA.

Ngunit aniya, pwedeng masolusyunan ang pagdami ng nawawalan ng trabaho sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Charter change na nakasentro sa economic reform.

“Kaya yung mga programang ginagawa natin lalo na sa paggastos ng ating budget, lalo na itong panukalang RBH 7 natin ay makakatulong na rin yan kasi kapag na-liberalize na or nabuksan ang ating ekonomiya mas maraming foreign direct investment na pumasok at mas maraming trabaho ang mabibigay natin sa taumbayan,” saad ng House Speaker.