Romualdez tiniyak ang suporta sa AFP Modernization

Pinagkalooban si Romualdez ng Battalion-Sized Arrival Honors sa pangunguna ni Major General Jose Maria R. Cuerpo II, Commander ng 4ID kasama ang Commanders ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) at Western Mindanao Command (WESTMINCOM).

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na kaisa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa hangarin ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mapalakas ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP)

Sinabi ito ni Romualdez sa pagbisita niya sa 4th Infantry (Diamond) Division headquarters sa Camp Evangelista, Brgy. Patag, Cagayan de Oro City bilang bahagi ng House of Representatives and Armed Forces of the Philippines’ Fellowship (Mindanao Leg).

Layunin ng pagbisita na mapatatag at mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng kongreso at Sandatahang Lakas ng bansa at pag-ibayuhin pa ng unawaan at respeto ng dalawang sangay.

“We are here to acknowledge you, to salute you and to thank you for your service. You deserve not just a round of applause but recognition throughout the country. You have done something that most countries could not achieve, and we are so proud of this. For we live under the peace and stability that you have created and we can only acknowledge and reward you with all the support that you deserve,” ayon kay Speaker Romualdez.

Sa naturang okasyon, pinagkalooban si Romualdez ng Battalion-Sized Arrival Honors sa pangunguna ni Major General Jose Maria R. Cuerpo II, Commander ng 4ID kasama ang Commanders ng Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) at Western Mindanao Command (WESTMINCOM).