Romualdez tatalupan illegal POGOs

Pinaiimbestigahan ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara ang criminal activities na kinasasangkutan ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Pinaiimbestigahan ni Speaker Martin Romualdez sa Kamara ang criminal activities na kinasasangkutan ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Nababahala si Romualdez sa ilegal na operasyon ng POGO.

“We cannot allow these rogue POGO operators to persist in their illicit actions,” pahayag ni Romualdez.

“It is imperative that we identify and unmask the masterminds and protectors behind these operations so they can be prosecuted to the fullest extent of the law,” dagdag ni Romualdez.

Layunin ng imbestigasyon na suriin ang money laundering, human trafficking, at iba pang kaugnay na mga paglabag na kinasasangkutan ng mga operators ng POGO.

Nais ding malaman ni Romualdez kung epektibo pa ba ang umiiral na regulasyon at tukuyin ang mga posibleng mga dahilan kung bakit nalulusutan ang batas ng mga illegal na POGO.

“Establishing the identities of those responsible for protecting and facilitating these illegal operations and ensuring they are held accountable is a priority,” pahayag ni Romualdez.

“Ensuring the protection of local communities and individuals affected by the illegal activities of rogue POGO operators is crucial,” dagdag pa ng mambabatas.