Romualdez tatalupan ‘gentleman’s agreement’ ng Duterte admin at China

Nakatakdang imbestigahan ng House of Representatives ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang alamin ang katotohanan sa "gentleman's agreement" sa China.

Nakatakdang imbestigahan ng House of Representatives ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang alamin ang katotohanan sa “gentleman’s agreement” sa China.

Nitong Lunes ay sinagot ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang tanong kung magkakaroon ba ng oras ang Kamara na gawin ang mga pagdinig sa gentleman’s agreement bago mag-adjourn sa sine-die ang Kongreso sa Mayo 24.

Dahil dito ay ipatatawag umano ng Kamara ang gabinete sa nakaraang administrasyon para malaman ang katotohanan.

“Yes, we have already discussed this amongst the House leadership and with the committee chairmen involved, so we’ll try to ferret out the truth with what really happened, because our President said he was horrified, so are we because it is disappointing that they had a gentleman’s agreement — although some say it’s true, some say it does not exist. So we should know what the truth is because that is what China is invoking,” ani Romualdez.

Dagdag pa nito: “Past officials, we’ll start with the past officials, because they are responsible for executing agreement. Maybe their Foreign Affairs officials, the executive secretary, to ask if there was an executive order. And those who said that there was a gentleman’s agreement — because there is a former press secretary who said it exists, and another said it does not.”

Matatandaang kamakailan ay kinumpirma ni dating presidential spokesperson Harry Roque na nakipagkasunduan si Duterte sa China upang panatilihin ang kasalukuyang kalagayan sa West Philippine Sea (WPS).