Romualdez suportado P29/kg bigas program ni PBBM

Pinuri ni House Speaker Martin G. Romualdez ang pinababang P29/kg presyo ng bigas, programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilyang Pilipino.

Pinuri ni House Speaker Martin G. Romualdez ang pinababang P29/kg presyo ng bigas, programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilyang Pilipino.

Hindi lang natutupad kundi nagiging abot-kamay na sa pamilyang Pilipino ang bigas sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa loob at labas ng nasyonal na merkado.

“The P29 Rice Program demonstrates President Marcos’ dedication to tackling inflation and enhancing food security,” sabi ni Romualdez.

Inilunsad nitong Hulyo 5 ang programa sa 10 lugar sa Metro Manila at Bulacan kung saan target na handog ang P29 per kilo ng bigas sa mga vulnerable groups tulad ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at solo parents.

“Offering rice at P29 per kilo to our most vulnerable citizens is a vital step in reducing hunger and improving the quality of life for millions of Filipinos,” dagdag ni Romualdez.

“This initiative ensures that affordable rice reaches those who need it most,” saad pa niya.