Romualdez suportado mga Pinoy na sasabak sa Paris Olympics

Buo ang suporta ni House Speaker Martin Romualdez sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

Buo ang suporta ni House Speaker Martin Romualdez sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 2024 Paris Olympics.

Nag-courtesy call ang mga Pinoy athlete na sasabak sa Olympics kay Romualdez. Pumunta rin sa Kamara si Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella.

Dito pinuri ni Romuadez ang dedikasyon, lakas at mga pambihirang achievements ng mga Pinoy sa world stage.

“Each one of you has worked so hard and faced many challenges to get to where you are. You’ve shown great dedication and strength, and you carried our flag with pride on the world stage. Your stories inspire us all,” ayon kay Romualdez.

Para ipakita ang kanyang suporta, binigyan ni Romualdez ng tig-P500,000 ang mga world class athlete na pupunta sa Paris.

“This is more than just a reward; it’s our way of saying we believe in you and are here to help you succeed in the future,” saad ni Romualdez.

Ang Paris Olympics ay gaganapin sa July 26 hanggang August 11.

Ilan sa mga Pinoy na may pwesto sa 2024 Olympics ay sina EJ Obiena, Carlos Yulo, Nesthy Petecio, Eumir Marcial at Aleah Finnegan.