Romualdez suportado ang ESports sa bansa

Tiniyak pa ng Speaker ang suporta ng Kongreso sa mga larangan na magsusulong ng youth at sports empowerment sa ating bansa.

Kaisa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission at Philippine ESports Organization (PESO) sa Esports sa Pilipinas.

SInabi ito ng Speaker sa kanyang talumpati sa Unity League Mobile Legend: Bang Bang nationwide tournament.

Tiniyak ni Romualdez na buo ang suporta niya upang mapalakas ang Esports na naglalayong hikayatin ang mga kabataan mula sa kanayunan na makiisa lalo’t maraming magagaling na ML Player ang hindi pa naaabot ng PSC sa larangan Esports.

Inihayag pa ng Speaker ang suporta ng Kongreso sa mga larangan na magsusulong ng youth at sports empowerment sa ating bansa.

https://www.facebook.com/reel/401154515932030