Romualdez siniguro suporta sa pagpapalakas ng AFP

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na nakasuporta ang Kamara de Representantes sa mga programang magpapalakas sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na nakasuporta ang Kamara de Representantes sa mga programang magpapalakas sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Romualdez, nasa likod ng kasundaluhan ang national government para ibigay ang mga pangangailangan ng militar.

“I want to assure every member of the Armed Forces that the House of Representatives, along with the national government, stands firmly behind you,” ayon kay Romualdez nang magtungo siya sa AFP-Western Command headquarters sa Puerto Princesa Palawan.

“We are committed to ensuring that your needs are met, your capabilities are enhanced, and your welfare is prioritized. Your dedication to our country inspires us, and it is only right that we support you with the resources necessary to carry out your noble duties,” aniya pa.

Lahad pa ni Romualdez, ang pagsigurong ‘well-funded’ ang militar ay para mahanda ang AFP sa mga ‘evolving challenges of national security’.

Bukod din sa mga armas, ayon kay Romualdez ay bubuhusan din ng pondo ang comprehensive training at educational program para sa mga sundalo.