Romualdez sinaksihan groundbreaking ceremony ng MICES Bldg. sa Albay

Idinaos ang groundbreaking ceremony ng Multi-Purpose Building ng Meeting, Incentives, Conferences for Education, Sports (MICES) sa Purok 6, Barangay Dela Paz, Daraga, Albay kamakailan.

Idinaos ang groundbreaking ceremony ng Multi-Purpose Building ng Meeting, Incentives, Conferences for Education, Sports (MICES) sa Purok 6, Barangay Dela Paz, Daraga, Albay kamakailan.

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang aktibidad, na dinaluhan din nina Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, Rep. Jil Bongalon, Atty. Alfredo ‘Pido’ Garbin Jr., Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda, Sorsogon Governor Boboy Hamor, Catanduanes Governor Boboy Cua, Masbate Governor Tony Co, Camarines Norte Governor Ricarte Padilla, at mga lokal na opsiyal ng Daraga.

Lubos naman ang katuwaan ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo sa proyekto. Aniya, makakatulong ito sa turismo ng kanilang bayan.

Ang multi-purpose building ng MICES ay proyekto ng Ako Bikol Party-list.