Romualdez saludo sa US sa pag-apruba $8.1B emergency aid sa ‘Pinas

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang pasasalamat sa United States House of Representatives para sa pag-apruba ng mga ito sa $8.1 bilyong emergency aid package sa mga kaalyado nitong bansa.

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang pasasalamat sa United States House of Representatives para sa pag-apruba ng mga ito sa $8.1 bilyong emergency aid package sa mga kaalyado nitong bansa.

Kabilang kasi ang Pilipinas sa mga bansa sa Indo-Pacific sa makakatanggap ng emergency assistance.

Ilalaan ng US House ang halos $4 bilyon na tulong sa seguridad sa Taiwan, Pilipinas, at iba pang mga kaalyadong bansa sa Indo-Pacific

Ayon kay Romualdez, malaking tulong ito lalo na ngayong patuloy ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

“This is a momentous occasion that underscores the enduring partnership between our nations and the unwavering commitment of the US to fostering stability and prosperity in the Indo-Pacific,” ani Romualdez.

“We are deeply grateful for the bipartisan effort that has led to the approval of this crucial assistance, which will undoubtedly strengthen the security and resilience of our region,” dagdag pa nito.

Samantala, pinasalamatan din ni Romualdez si California Rep. Darrell Issa sa pagsusulong ng isang amendment na magtitiyak na ang security assistance ay makakarating sa Pilipinas.

Sa naturang amendment, maglaan ang US ng $500 milyon para sa Foreign Military Financing ng bansa.