Romualdez sa usaping POGO: Sumunod kayo sa batas!

"Basta lahat ng stakeholders ay dapat sumunod sa batas. At sa mga lumalabag sa batas, lagot kayo sa ating mga law enforcers."

“Basta lahat ng stakeholders ay dapat sumunod sa batas. At sa mga lumalabag sa batas, lagot kayo sa ating mga law enforcers.”

Ito ang naging komento ni House Speaker Martin G. Romualdez hinggil sa usapin ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Nang tinanong din si Romualdez ukol sa panawagang i-ban ang mga POGO sa Pilipinas ay sinabi niyang dapat na idaan sa tamang proseso ang nasabing panawagan at papakinggan ng Kamara ang posisyon ng mga stakeholders.

Handang timbangin ng Kongreso kung ano ang pinakamagandang hakbang upang solusyonan ang mga isyu sa POGO.

“We’re open to hearing all issues concerning the POGOs,” ani Romualdez.

Kamakailan, nadiskubre sa isinagawang raid sa mga pasilidad ng POGO sa Porac, Pampanga ang ilang mga uniporme ng People’s Liberation Army dahilan upang muling buhayin ng Senado ang petisyon tuluyan nang i-ban ang POGO sa bansa.

Nauna na ring pumasa sa games and amusement committee noong Pebrero ang panawagang ipagbawal ang POGO ngunit plano pa lang na isalang sa plenaryo upang pagdebatihan.