Romualdez sa Pinoy creatives: Eddie Garcia Law, titiyakin proteksyon n’yo

Siniguro ni House Speaker Martin G. Romualdez sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa pelikula at telebisyon na mabibigyan sila ng proteksyon sa pagsasabatas ng Eddie Garcia Law sa bansa.

Siniguro ni House Speaker Martin G. Romualdez sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa pelikula at telebisyon na mabibigyan sila ng proteksyon sa pagsasabatas ng Eddie Garcia Law sa bansa.

Aniya, naging inspirasyon si Eddie Garcia upang matalakay sa kapulungan ang pangangailangang sekyuridad ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon at iba pang empleyado ng sining.

“The tragic loss of Eddie Garcia, a beloved icon in our film and television world, underscored the urgent need for stronger protections for our industry workers. His legacy has inspired us to take action and ensure that no worker has to face unsafe working conditions. The ‘Eddie Garcia Law’ is our promise to do better by our actors, crew members, and everyone who brings our stories to life,” sabi ni Romualdez.

Magkakaroon ng tamang bilang oras ang mga manggagawa iwas sa “unpaid overtime,” tamang pagpapasahod, at pagtitiyak na mahuhulugan nang tama ang mga benepisyong mandato ng gobyerno tulad ng SSS, PAG-IBIG, at PhilHealth. Titiyakin din ng batas na sumusunod ang mga employers sa mga standards ng Occupational Safety and Health Law.

Matatandaang nasawi si Eddie Garcia matalisod sa kable habang nagte-taping para sa kanyang teleserye.