Romualdez sa pag-absent ni VP Sara sa SONA: No problem!

Walang nakikitang problema si House Speaker Martin Romualdez sa hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos sa Hulyo 22.

Walang nakikitang problema si House Speaker Martin Romualdez sa hindi pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos sa Hulyo 22.

Paliwanag ni Romualdez, hindi naman saplitan at prerogative ni Duterte na hindi pumunta.

Pero ipinaalala ni Romualdez na ang SONA ay hindi isang simpleng event kundi isang mahalagang sandali upang magkaisa at magtulungan ang mga lider para isulong ang bansa.

“Every public official has the prerogative to decide on their attendance at significant events. However, the State of the Nation Address (SONA) is a crucial moment for unity and collaboration among our nation’s leaders,” pahayag ni Romualdez.

“It is a time to reflect on our progress, address challenges, and outline our vision for the future,” dagdag ni Romualdez,

Bukod sa hindi pagdalo, itinalaga rin ni Duterte ang sarili bilang designated survivor.

“Our constituents deserve to see their leaders united and focused on the collective good,” pahayag ni Romualdez.