Romualdez sa mga Pinoy: Maging proud tayo kay Marcos!

Dapat na maging proud ang mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa hangaring kaligtasan at kaayusan na laman ng kanyang talumpati sa Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Dapat na maging proud ang mga Pilipino kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa hangaring kaligtasan at kaayusan na laman ng kanyang talumpati sa Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Ayon kay House Speaker Martin G. Romualdez, pinakita ng pangulo sa harap ng iba pang mga world leaders na handa siyang ipaglaban ng karapatan at soberanya ng mga Pilipino ukol sa hidwaan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

“President Marcos Jr.’s keynote address at the Shangri-La Dialogue is a testament to his strong leadership and his unwavering commitment to protecting our national sovereignty. Every Filipino should be proud of our President, who has shown the world that we are resolute in defending our territory while advocating for peace and diplomacy,” sabi ni Romualdez.

Aniya, handa ang ating pangulo na ipaglaban ng karapatang ito hanggang kamatayan. Ganito kahalaga ang krapatan ng mga Pilipino para kay Marcos mas lalo na sa mga mangingisda sa katubigan ng WPS.

“Our President has made it clear that the life-giving waters of the West Philippine Sea are integral to our nation’s identity and sovereignty. We will never allow anyone to detach it from our maritime domain,” dagdag ni Romualdez.

Samantala, buong pwersang nakasuporta ang mababang kapulungan sa inisyatibo at plano ni Marcos hinggil sa sigalot sa WPS.