Romualdez sa KBP: Paigtingin kampanya kontra fake news!

Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa fake news na nagkalat lalo na sa social media.

Inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na paigtingin ang kanilang kampanya laban sa fake news na nagkalat lalo na sa social media.

Ito’y matapos mag-viral ang deepfake video kung saan nabiktima si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“Your role as custodians of truth is imperative in countering misinformation and upholding the public trust,” saad ni Romualdez sa ika-51 anibersaryo ng KBP noong Huwebes.

“In an era marked by a redefinition of the media landscape due to evolving technology, transitioning from traditional platforms to digital spaces, and where misinformation can spread rapidly, the integrity of our broadcasters is more crucial than ever,” wika pa ng mambabatas.

“I urge you to remain steadfast,” aniya pa.

Tiniyak din ni Romualdez sa KBP na katuwang nila ang Kamara sa pagsusulong ng kanilang mga adhikain tungo sa pagpapaunlad ng bansa.