Romualdez sa gobyerno: Maghanda sa mercy flights para mga Pilipinong naiipit sa Israel-Gaza conflict

Sakali mang magkaroon ng repatriation flights para sa mga Pilipinong naipit sa gitna ng kaguluhan, maaari ring ikonsidera exit points ang mga kalapit na bansa tulad ng Egypt at Jordan.

Nanawagan si Speaker Martin Romualdez para sa agarang pagpapauwi sa lahat ng Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa pagitan ng Israel at teroristang Hamas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) para kumuha pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa sitwasyon ng mga overseas Filipino workers at mga migranteng Pilipino na naninirahan sa lugar na binabalot ng tension sa kasalukuyan.

“What we’ve learned from DFA and credible news sources is that more than a hundred OFWs are eager to return to the Philippines,” ani Romualdez.

“I am confident in the preparedness of our Armed Forces, with their C-130 aircraft at the ready to transport and bring our OFWs safely back home. But I believe the DFA and DMW have the necessary funds to facilitate the repatriation of our OFWs, enabling them to charter flights for this purpose,” ayon pa sa opisyal.

Paliwanag pa ni Romualdez, hindi kailangan na direktang lumapag ang mercy flights sa Israel dahil maaaring magtungo ang mga evacuees sa kalapit na lugar tulad ng Egypt at Jordan.

Hinikayat rin ni Romualdez na agad makipag-ugnayan sa mga embahada ng Pilipinas para sa kanilang pag-uwi at maiwasan ang anumang alanganing sitwasyon sa gitna ng tumataas na antas ng kaguluhan sa lugar.

“The safety and welfare of Filipino citizens are paramount, and we are committed to working closely with the DFA, DMW, and other relevant authorities to ensure the swift and secure repatriation of our OFWs from the conflict areas,” aniya.