Romualdez sa Filipino muslims: Gawing mapayapa, makabuluhan Eid Al-Adha

Nagpaabot ng mensahe si House Speaker Martin G. Romualdez sa mga Pilipinong muslim na gawing mapayapa at makubuluhan ang pagdiriwang ng Eid Al-Alha ngayong June 17.

Nagpaabot ng mensahe si House Speaker Martin G. Romualdez sa mga Pilipinong muslim na gawing mapayapa at makubuluhan ang pagdiriwang ng Eid Al-Alha ngayong June 17.

Inilawaran ni Romualdez sa kanyang Facebook post na ang Eid Al-Adha ay “isang sagradong okasyon at panahon ng pananalangin, debosyon, at pagkakaisa sa komunidad sa ngalan ng pagsasakripisyo at pananampalataya ng mga kapatid nating Muslim sa buong bansa.”

“I sincerely hope this festive season brings abundant blessings of peace and prosperity to your families and communities. May your homes be filled with joy and may your prayers for harmony and well-being be answered,” saad ni Romualdez.

Dagdag niya, patuloy na maging mapanuri sa hamon ng buhay at nawa’y magkaisa ang bansa sa pagtaguyod ng isang mapayapang lipunan.

“As we honor the significance of this day, let us also be mindful of the ongoing challenges we face as a nation. Together, let us strive for a future where peace and prosperity are not just aspirations, but realities for all Filipinos,” aniya.

BASAHIN: