Romualdez sa Araw ng Kagitingan: Responsibilidad natin ipagtanggol ‘Pinas!

Hinimok ni House Speaker Martin Romuladez ang mga Pilipino na idepensa ang bansa laban sa mga nananakop ng teritoryo.

Hinimok ni House Speaker Martin Romuladez ang mga Pilipino na idepensa ang bansa laban sa mga nananakop ng teritoryo.

Ayon kay Romualdez, ngayong Araw ng Kagitingan ay dapat alalahanin ang mga aral na ibinahagi ng mga bayani at sundalo na nagtanggol sa Plipinas.

“Today, as we pay homage to their courage, we must also heed the invaluable lessons they impart,” saad ni Romualdez.

Aniya, hindi natitigil na responsibilidad sa bawat Pilipino na protektahan ang kasarinlan ng Pilipinas.

“Defending Philippine sovereignty and territory is not merely a historical obligation; it is an ongoing responsibility that demands our unwavering commitment and vigilance,” ayon pa sa House leader.

Dagdag pa ni Romualdez, ang Araw ng Kagitingan ay tungkol din sa paglaya ng mga Pinoy sa kahirapan at maingat ang mga nasa laylayan.

“Just as our heroes fought for our nation’s physical borders, we must also strive to break the chains of poverty and uplift the less fortunate among us,” lahad ng House Speaker.

“We must stand united in the fight against poverty, extending a helping hand to the less fortunate and empowering them to build better lives for themselves and their families,” aniya pa.