Romualdez, proud sa kasunduang Brunei, PBBM

Hinangaan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang naiuwing tatlong kasunduan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagitan ng Pilipinas at ng Brunei sa katatapos na state visit ng pangulo doon.

Hinangaan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang naiuwing tatlong kasunduan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagitan ng Pilipinas at ng Brunei sa katatapos na state visit ng pangulo doon.

Naging pinal ang kasunduan sa pagitan ni Pangulong Marcos at ni Brunei Prime Minister Hassanal Bolkiah.

“President Marcos, Jr. deserves our commendation for this significant diplomatic achievement. These agreements signify a promising future for our bilateral relations, fostering deeper cooperation and understanding between our countries,” sabi ni House Speaker Romualdez.

Dagdag ni Romualdez, malaking tulong sa mga Pilipino ang nilagdaang kasunduan sa industriya ng food and security, turismo, at maritime cooperation kung saan matatandaang kasalukuyang humaharap ang Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea.

“The Filipino people will undoubtedly benefit from these initiatives through enhanced tourism, improved maritime standards, and strengthened agricultural practices that would spur job creation and generate income opportunities,” aniya.

Ang tatlong memorandum of understanding (MOU) na pinagkasunduan ay ang mga sumusunod: MOU on mutual recognition of Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (SCTW) certificates, MUO on tourism cooperation, at MOU on maritime cooperation. Kasama rin dito ang isang Letter of Intent (LOI) upang i-renew ang MOU sa food security at agricultural cooperation ng dalawang bansa.