Romualdez: Programa ni PBBM vs kahirapan epektibo!

Naging epektibo ang mga programa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. laban sa kahirapan, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Naging epektibo ang mga programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban sa kahirapan, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ito ay matapos lumabas sa OCTA Research survey na bumaba ang bilang ng self-rated poverty sa unang quarter ng 2024.

Base sa datos na lumabas, mula Marso 11 hanggang 14, ang self-rated poverty sa bansa ay nasa 42 porsiyento,

Mas mababa ito ng 3 porsiyento kumpara sa 45 porsiyento na naitala sa isang katulad na survey noong ikaapat na kwarter ng 2023.

“These figures represent a decline of approximately 800,000 families in both categories, a clear indication that the administration’s economic measures and anti-poverty efforts are effectively reaching and improving the lives of our people,” pahayag ni Romualdez.

Kabilang sa mga hakbang ng administrasyon ni Marcos laban sa kahirapan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD, ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE.

“This positive trajectory in reducing poverty and hunger underscores the impact of the government’s targeted policies aimed at enhancing economic stability and providing necessary support to the most vulnerable sectors. The decrease in the number of families who consider themselves food-poor further attests to the success of our food security programs,” saad pa ni Romualdez.