Romualdez positibo sa P30 kilong bigas sa Hulyo

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na mapapababa ang presyo ng bigas sa P30 kada kilo pagsapit ng Hulyo sa ilang lugar sa bansa.

Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na mapapababa ang presyo ng bigas sa P30 kada kilo pagsapit ng Hulyo sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Romualdez, umaaksyon na ang Department of Agriculture para malaman kung anong mga lugar ang pwedeng makaranas ng murang bigas.

“We are confident that it is possible to offer rice below P30 per kilo as early as July this year. The Department of Agriculture is currently identifying the areas where affordable, well-milled rice will be made available to the public,” ayon kay Romualdez.

Aniya, pkapag naipasa na ang Rice Tarrification Law ay malaki ang tsansa na mailatag na ang murang bigas sa buong Pilipinas.

“Although we cannot yet achieve this throughout the entire country, we can start in selected areas identified by the Department of Agriculture. We hope that this initiative will soon reach all parts of the country, especially after the amendment of the Rice Tariffication Law,” saad pa ng House Speaker.

Inanunsyo ito ni Speaker Romualdez matapos ang halos isang oras na pakikipagpulong sa kanyang tanggapan kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA), at iba pang ahensya na konektado sa DA.

Sinabi ni Romualdez na ang presyo ng bigas na mas mababa sa P30 per kilo ay napagkasunduan sa naturang meeting matapos makitaan ng butas ang implementasyon ng Rice Tarrification law.