Romualdez pinuri PhilHealth sa pagtaas benepisyo sa breast cancer warriors

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth matapos nilang taasan ang benepisyo para sa mga nakikipaglaban sa breast cancer.

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang PhilHealth matapos nilang taasan ang benepisyo para sa mga nakikipaglaban sa breast cancer.

“We applaud PhilHealth for its substantial increase in support for breast cancer patients, marking a significant stride towards advancing healthcare,” ayon kay Romualdez.

Batay sa anunsyo ng PhilHealth, mula P100,000 ay magiging P1.4 million na ang benefit package para sa mga breast cancer patient.

Ang desisyon na ito ng PhilHealth ay malaki ang maitutulong para gumaan ang problemang pinansyal ng mga cancer warriors, ayon kay Romualdez.

“Breast cancer affects not only the physical health but also the emotional and financial well-being of patients. We must ensure that our healthcare system is equipped to provide comprehensive support to those affected,” lahad pa ni Romualdez.

Matatandaan na pinag-utos ni Romualdez sa House Committee on Health na baguhin ang Charter ng PhilHealth para mapataas ang benepisyo na nakukuha ng mga miyembro nito.