Romualdez pinuri AFP sa mataas na trust rating

Bilib si House Speaker Martin Romualdez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ilabas ng OCTA Research ang isang survey kung saan marami sa mga Pilipino ang kuntento sa ginagawang pagkilos ng sandatahang lakas.

Bilib si House Speaker Martin Romualdez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ilabas ng OCTA Research ang isang survey kung saan marami sa mga Pilipino ang kuntento sa ginagawang pagkilos ng sandatahang lakas.

Sa survey na isinagawa ng OCTA, pumalo sa 86% ng mga respondent ang nagsabing masaya sila sa aksyon ng AFP sa mga problemang dapat nilang solusyonan. Dahil dito, ang AFP ay isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang ahensya ng pamahalaan.

Ikinatuwa naman ito ni Romualdez.

“As Speaker, I express my sincerest gratitude to the men and women of the AFP for their unwavering service and sacrifice. This survey reaffirms the vital role of our armed forces in national security and peacekeeping, and it reflects the deep trust and respect they have earned from the Filipino people,” saad ng mambabatas sa isang press release ngayong Linggo.

“Maraming salamat po sa lahat ng inyong serbisyo at malasakit sa ating mga mamamayan. Hindi po matatawaran ang inyong sakripisyo matiyak lamang na ligtas ang ating bayan mula sa anumang banta o panganib,” dugtong pa niya.

Kaya naman, nangako si Romualdez na aalalayan ng Kamara ang AFP sa pamamagitan ng pagpasa ng mahahalagang batas tungo sa ikalalakas ng sandatahan.

“We in the House of Representatives reaffirm our commitment to supporting the AFP in its mission to defend our country. We will continue to work towards providing our military with the necessary resources and legislation to ensure they can perform their duties effectively and continue to garner the high level of public trust and satisfaction they so rightfully deserve,” aniya pa.