Romualdez pinatatapos na OFW lounge sa NAIA

Ipinapamadali na ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng mga OFW lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at Terminal 3.

Ipinapamadali na ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbubukas ng mga OFW lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at Terminal 3.

Ito ay matapos mabuksan ang kaparehong lounge sa Terminal 1 ilang buwan na ang nakalilipas.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio, naging matagumpay ang pagbubukas nito dahil palaging puno ang nasabing lounge.

“Successful ang OFW lounge sa terminal one dahil laging puno ito kaya gusto ni Speaker Romualdez magbukas na rin kami sa NAIA 2 at 3. Pondo ng Office of the Speaker ang ginamit sa unang lounge at sabi nya siya na rin bahala sa iba pang lounge”, saad ni Ignacio.

Dagdag pa niya, maging ang airport sa Cebu at Davao ay gusto rin palagyan ng lounge ni Romualdez.

“Hindi lang sa NAIA terminals magtatayo tayo ng lounge dahil gusto ni Speaker lagyan din sa iba pang mga airport tulad sa Cebu at Davao,” pahayag pa nito.