Romualdez pinangunahan pamamagahagi ng ayuda, bigas sa CARAGA

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay bigas sa mga taga-CARAGA region.

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay bigas sa mga taga-CARAGA region.

Sa Facebook post, sinabi ni Romualdez na ilang pamilya sa naturang rehiyon ang napamahagian ng ayuda sa ilalim ng programang Cash and Rice Distribution (CARD).

Ito umano ay ayon sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang pamilya ang magugutom.

“Ito po ang aming tugon sa naisin ng ating Pangulong Bongbong Marcos na walang magugutom, at ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay palaging abot-kamay ng lahat ng Pilipino,” pahayag ni Romualdez sa Facebook.

Bukod pa riyan ay ipinangako rin nito na patuloy ang House of Representatives sa pagsisikap na matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga Pinoy.

“Umasa po kayo na lahat kami sa House of
Representatives of the Philippines ay magta-trabaho ng mas masigasig upang mas marami pang mga Pilipino ang matulungan na makamit ang kanilang pangarap na mas magandang buhay sa isang BagongPilipinas!” dagdag pa nito.