Romualdez pinalakpakan si PBBM sa trilateral summit: Tagumpay sa diplomasya!

Hinangaan ni House Speaker Martin Romualdez ang matagumpay na pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa United States at Japan.

Hinangaan ni House Speaker Martin Romualdez ang matagumpay na pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa United States at Japan.

Kamakailan lang ay nakausap ng Pangulo sina United States President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington, D.C. para sa trilateral summit.

Ayon kay Romualdez, napakahalaga ng pagpupulong na ito para sa mga Pilipino, sa ekonomiya, at pambansang interes, lalo na sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS).

“On behalf of the entire House of Representatives, I extend my warmest congratulations to President Marcos for his remarkable achievement in securing a monumental diplomatic victory through the recent historic trilateral meeting with President Biden and Prime Minister Kishida,” pahayag ni Romualdez.

Kabilang umano sa mapapatatag kasi nito ay ang Philippine defense modernization at pagpapalakas ng kakayahan ng Philippine Coast Guard.

“In addition, the three leaders will also conduct more combined naval training and exercises not only among the three countries but also with additional partners,” dagdag pa nito.