Romualdez pinalakpakan BPSF programa ni PBBM

Humanga si House Speaker Martin Romualdez sa programa ni Pangulong Ferdinand "Bongboong" Marcos Jr. na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).

Humanga si House Speaker Martin Romualdez sa programa ni Pangulong Ferdinand “Bongboong” Marcos Jr. na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).

Ayon kay Romualdez, puspusan ang administrasyon ng Pangulo upang makapaghatid ng serbisyo, tulong pinansyal, at tulong panghanapbuhay sa iba’t ibang luggar sa bansa.

Sa katunayan niyan ay naghahanda na ang BPSF para bisitahin ang tatlo pang probinsya sa Mindanao ngayong Mayo at Hunyo para magbigay tulong sa mga tao.

“Apat sa 18 na mga lugar at lalawigan ay nasa Mindanao. Halos lahat na ng rehiyon ay napuntahan na ng Serbisyo Caravan na ito, kasama ang Bukidnon, Agusan del Norte, Sultan Kudarat, at Davao de Oro. At sa mga susunod na mga araw at linggo, pupunta naman tayo sa Zamboanga City, Tawi-Tawi, at Davao del Norte,” pahayag ni Romualdez.

Aniya, sa ilalim ng administrasyongg Marcos ay mas marami pa umanong Pilipino ang makikinabang sa Cash and Rice Distribution (CARD) Program; Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth; Start-up, Investment, Business Opportunity and Livelihood (SIBOL); at Farmers Assistance for Recovery and Modernization (FARM).

“Sa ilalim ng direksyon ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, patuloy ang ating pag-abot sa ating mga kababayang dumadaing sa hirap ng panahon. Alam ito ng ating mahal na Pangulo, kaya ang marching order niya sa buong pamahalaan ay gawin ang lahat para maramdaman ng mga tao ang tulong mula sa gobyerno,” sinabi nito.

“Bukod dito, marami pang programa ang gobyerno katulad ng free college education, free health insurance, at ang pagbibigay ng direct cash subsidies. At hindi lamang ‘yan, kami dito sa Kongreso ay inatasan ng mahal na Pangulo na mag-isip pa ng mga paraan para sa ikagiginhawa ng ating mga mamamayan,” dagdag pa ni Romualdez.