Romualdez: PhilHealth palalakasin para sa kalusugan ng bawat Pilipino

Maglalatag ang House of Representative ng"transformative journey" upang mapabuti ang mga serbisyong pangkalusugan at pangunahing pangangalaga para sa lahat ng Pilipino.

Maglalatag ang House of Representative ng”transformative journey” upang mapabuti ang mga serbisyong pangkalusugan at pangunahing pangangalaga para sa lahat ng Pilipino.

Sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na isa sa kanilang mga pangunahing layunin, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay ang kumpletong pagsusuri ng saligang-batas ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“We are not just lawmakers. We are collaborators, working closely with executive agencies to uplift the living conditions under President Ferdinand R. Marcos Jr.’s administration,” pahayag ni Romualdez sa ginanap na Spring Brunch and Education Forum sa Tagaytay.

“This shift is about more than expanding coverage. It’s about ensuring PhilHealth evolves into a pillar of our Universal Health Care System, providing a safety net that is robust, compassionate and equitable,” dagdag pa nito.

Samantala, nitong National Women’s Month ay pinuri ni Romualdez ang PhilHealth sa mabilis na pagtugon sa adbokasiya ng Kamara sa pamamagitan ng pagtaas ng benepisyo para sa mga pasyenteng may breast cancer.