Romualdez: PH-Japan RAA napapanahon

Napapanahon ang paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement (RAA).

Napapanahon ang paglagda ng Pilipinas at Japan sa Reciprocal Access Agreement (RAA).

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mahalaga ang RAA dahil magpapalawig ito sa pakikilahok ng pwersa ng Japan sa joint military exercises tulad ng Balikatan drills sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, na isang mahalagang hakbang sa pagsusulong ng seguridad sa rehiyon.

“The signing of the RAA signifies a crucial moment in Philippine-Japan relations, heralding a new era of strengthened defense cooperation amid evolving regional geopolitical challenges,” pahayag ni Romualdez.

“The RAA highlights our shared commitment to regional stability and security, strengthening our defense capabilities, and reaffirming the Philippines’ strategic partnership with Japan,” pahayag ni Romualdez.

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos “Bongbong” Marcos Jr., kasama ang mga opisyal ng gobyerno ng dalawang bansa ang ceremonial signing ng RAA ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., at Japanese Defense Minister Kihara Minoru sa Malacañang noong Lunes.

“This agreement reflects our shared values of peace, stability, and prosperity in the region,” ayon kay Romualdez.

“It underscores the Philippines’ proactive approach in addressing security challenges and promoting a rules-based international order,” dagdag ni Romualdez.