Romualdez: PH Coast Guard mas palakasin

Hiniling ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Philippine Coast Guard (PCG) na magsumite na ng kanilang comprehensive strategic modernization plan sa Kamara na gagamiting batayan sa alokasyon ng pondo sa taunang budget deliberation ng Kongreso.

Nakapaloob sa plano ang mga kinakailangang hakbang at gagamiting resources na makakabuti sa kakayahan ng Coast Guard, alinsunod sa pagpapatrolya at pagbabantay nito sa West Philippine Sea (WPS).

“Our national security and sovereignty are paramount,” sabi ni Romualdez.

“By ensuring that our Coast Guard is well-equipped and well-funded, we can better protect our territorial integrity against external threats and assert our sovereign rights in these contested waters,” aniya pa.

Binigyang diin ni Romualdez ang “urgent need” ng Kongreso na suportahan ang operational capacity o kakayahan ng PCG sa gitna ng lumalalang tensyon at hidwaan sa teritoryo sa WPS.