Romualdez patitibayin ‘national defense’ ng Pinas

Nakipagpulong si House Speaker Martin Romualdez kay United States Senator William Francis Hagerty ng Tennessee upang palakasin ang national defense at regional security cooperation ng Pilipinas.

Nakipagpulong si House Speaker Martin Romualdez kay United States Senator William Francis Hagerty ng Tennessee upang palakasin ang national defense at regional security cooperation ng Pilipinas.

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at US patungo sa multilateral engagements sa iba pang kaalyadong bansa.

Sinabi niya na ang pinalawak na pagsasanay na ito ay magpapalakas ng depensa at ugnayan sa iba pang mga kaalyado, na nagtitiyak ng kapayapaan sa ‘Pinas.

Isa sa mga halimbawa na lang umano nito ay ang magandang epekto ng Balikatan kasama ang iba’t ibang nasyon.

“These exercises have shown their significant importance in boosting our tactical and operational prowess. With this program, we can improve stability, security, and peace in the Asia-Pacific region and better safeguard our nation,” pahayag ni Romualdez.