Romualdez: Panahon na para gawing legal motorcycle taxi

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na tututukan ng Kamara ang panukalang batas para maging legal ang motorcycle taxi sa bansa.

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na tututukan ng Kamara ang panukalang batas para maging legal ang motorcycle taxi sa bansa.

Ang House Bill No. 3412, ay isinulong nina 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez at Bonifacio Bosita.

“The maintenance of peace and order, the protection of life, liberty, and property, and the promotion of the general welfare are foundational to our democracy. It’s imperative to adapt our laws to the evolving transportation landscape to ensure the well-being and convenience of our citizens,” wika ni Romualdez.

“The legalization of motorcycle taxis and the relaxation of TNVS regulations align with our goals to provide more choices for passengers, drivers, and businesses, particularly MSMEs (micro, small and medium enterprises),” aniya pa.

Sa ngayon ang mga MC taxi ay nakakapag-operate bilang parte ng pilot study ng Department of Transportation.

Ayon kay Romualdez, panahon na para kilalanin ang mga rider bilang bahagi ng lipunang Pilipino.

“Marami na pong kababayan natin ang nabigyan ng trabaho at kabuhayan mula sa industriya ng motorcycle taxis. Panahon na pong kilalanin sila bilang responsableng bahagi ng lipunang Pilipino at mabigyan ng sapat na regulasyon para mapangalagaan ang interes ng mamamayan,” saad ni Romualdez.