Romualdez: Pagpapaganda ng Western Visayas Medical Center, tatak-Marcos!

Muling pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang Marcos administration kasunod ng naganap na groundbreaking ceremony para sa pagpapalawak ng West Visayas State University Medical Center (WVSUMC) sa Iloilo City.

Muling pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang Marcos administration kasunod ng naganap na groundbreaking ceremony para sa pagpapalawak ng West Visayas State University Medical Center (WVSUMC) sa Iloilo City.

Sa naturang seremonya, tiwala ang House Speaker na makakatulong ang pinagandang ospital sa pagbibigay ng dekalidad na atensyong medikal sa mga taga-Visayas at Mindanao.

“This facility is poised to become a critical hub for medical training, addressing the growing demand for healthcare professionals equipped to handle future health challenges,” wika ni Romualdez.

“Let’s nurture this endeavor, which promises to enhance healthcare services and education significantly. Together, we will watch this institution rise as a symbol of our collective commitment to improving the health and well-being of our community,” saad pa niya.

Ayon pa kay Romualdez, ang proyekto ay bunga ng pagkakaisa ng pamahalaan, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“This is teamwork, and this is all because of the direction set by President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” dagdag pa niya.

Tampok sa proyekto ang isang bagong gusali para sa WVSUMC, na may 15 palapag at kasya ang 352 pasyente. Tinatayang matatapos ito sa 2030.

Dumalo rin sa naturang seremonya si Ako Bicol Party-list Rep. at House Committee on Appropriations Chairman Rep. Zaldy Co.