Romualdez: Pagbisita ni PBBM sa Germany, Czech Republic, mahalaga para sa bansa!

Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Germany at sa Czech Republic ngayong Marso 11 hanggang 15.

Binigyang-diin ni House Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Germany at sa Czech Republic ngayong Marso 11 hanggang 15.

Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Marcos at ang kanyang miyembro ng mga delegado.

Ayon kay Romualdez, isa umano sa mahahalagang magaganap sa pagpupulong ng Pangulo kasama ang mga pinuno ay ang pagpapalakas ng ugnayan ng mga bansa.

Makatutulong umano ito para sa pagpapalakas ng ekonomiya at seguridad ng Pilipinas.

“These visits would serve to bolster bilateral relations, enhance economic cooperation, and reinforce the Philippines’ standing in the international community. Amidst complex geopolitical challenges, fostering strong alliances with nations sharing similar values is imperative for safeguarding our sovereignty and territorial integrity,” pahayag ni Romualdez.

“In the face of China’s increasing assertiveness in the West Philippine Sea, adherence to international law is crucial for maintaining peace and stability in the region,” dagdag pa nito.

Samantala, nakatakdang mananatili muna si Pangulong Marcos Jr. sa Berlin sa Marso 11 hanggang 13 bago magtungo sa Prague sa Marso 13 hanngang 15.