Romualdez: OTOP PH law, tutulong sa pagbangon ng MSMEs mula sa pandemya

Nilarawan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kapipirma lamang na One Town, One Product (OTOP) Philippines Act bilang pagsasabuhay ng polisiyang “Filipino First,” na siyang magpapabilis pa ng pagbangon ng mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa pandemya.

Nilarawan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kapipirma lamang na One Town, One Product (OTOP) Philippines Act bilang pagsasabuhay ng polisiyang “Filipino First,” na siyang magpapabilis pa ng pagbangon ng mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa pandemya.

Kamakailan, naging ganap na batas na ang OTOP Philippines Act nang pirmahan ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging Republic Act (RA) No. 11960 noong Agosto 25.

Ayon kay Romualdez, malayo ang mararating ng batas na ito, na ang pangunahing layunin ay gawin ang ekonomiya ng Pilipinas na maging self-reliant. Sa pagsuporta sa mga polisiyang maglilikha ng local economic activity, tutulong ito palaguin pa ang pambansang ekonomiya, paliwanag ni Romualdez.

“The OTOP Program will redound not just to the individual localities or regions, but the entire country itself in an expedited manner,” ani Romualdez sa isang pahayag ngayong Linggo.

Kinikilala rin ng batas ang papel ng pribadong sektor at mga Negosyo upang mapatupad ang diwa ng OTOP Philippines Act. Kaya mayroong probisyon sa batas na magsusulong ng mga insentibo, lalo na sa mga MSME.

Kabilang sa mga tulong na ibibigay sa mga MSME ay technical assistance pagdating sa pagpapanatili ng kalidad, design, packaging, at marami pang iba.

“It also aims to assist rural communities in growing the local economy and being more market-oriented and innovation-driven, as well as promote convergence of initiatives from local government units (LGUs), national government agencies, and the private sector in developing and promoting Philippine products, whether for export of the domestic market,” Romualdez said.

Itinakda sa batas na Department of Trade and Industry (DTI) ang pangunahing magpapatupad ng OTOP Philippines Program. Magkakaroon sa kagawaran ng OTOP Program Management Office na siyang mangangasiwa sa programa.