Romualdez ngayong Eid’l Fitr: Respeto, pag-unawa ipalaganap sa bansa

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na ang paggunita ng Eid'l Fitr sa bansa ngayong Miyerkoles ay tanda ng pagkakaroon ng tunay na pagkakaisa ng mga Pilipino.

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na ang paggunita ng Eid’l Fitr sa bansa ngayong Miyerkoles ay tanda ng pagkakaroon ng tunay na pagkakaisa ng mga Pilipino.

Sa kanyang mensahe ngayong Eid’l Fitr, inihayag ni Romualdez na mahalaga ang respeto sa lahat ng pananampalataya sa bansa upang magkaroon ng pagkakaisa.

Kilala ang Pilipinas bilang dominado ng mga Kristyano, bagamat nasa 7 milyon ang mga Muslim sa bansa.

“As we join in the celebrations of Eid’l Fitr, let us also recognize the diversity that enriches our nation. Let us embrace the spirit of inclusivity and understanding, fostering unity and respect for all faiths and beliefs,” saad ni Romualdez.

“Through fasting and acts of charity, Muslims demonstrate their commitment to compassion and generosity, reaching out to those in need and fostering solidarity within their communities,” dugtong pa niya.

“May this Eid bring not only joy but also renewed hope and optimism for our shared future. Let us carry forward the values of compassion, generosity and unity that define this occasion, extending kindness and goodwill to all,” dagdag pa ng mambabatas.