Romualdez: Nararapat sa PBBM sa ‘Most Influential People of 2024

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang pagbati para kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. matapos itong mapabilang sa '100 Most Influential People' ng TIME magazine para sa taong 2024.

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang pagbati para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos itong mapabilang sa ‘100 Most Influential People’ ng TIME magazine para sa taong 2024.

Ani Romualdez, isa lamang itong patunay ng hindi matatawarang dedikasyon ng Pangulo na maisulong ang interes ng Pilipinas at mabigyan ng magandang kinabukasan ang bawat Pilipino.

“I extend my heartfelt congratulations to President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. for his remarkable achievement in being named one of Time Magazine’s 100 Most Influential People in 2024,” pahayag nito.

“This prestigious recognition underscores the President’s unwavering dedication to advancing our nation’s interests and securing a brighter future for all Filipinos,” dagdag pa ni Romualdez.

Nagdala umano ng maraming oportunidad at pagbabago ang pamumuno ni Pangulong Marcos, lalo na sa pagpoprotekta ng soberanya ng bansa.

“President Marcos’ visionary leadership has brought about tangible improvements in various facets of our society. His strategic economic policies have steered our country towards stability and growth, even during global uncertainties. Moreover, his steadfast stance against external threats, particularly in defending our sovereignty amidst escalating tensions, exemplifies his resolute commitment to protecting the Filipino people,” saad pa ni Romualdez.