Romualdez nanawagan sa Senado: Rice Tariffication Law apurahin na

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na maaamyendahan ang Rice Tariffication Law para maibaba ang presyo ng bigas.

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na maaamyendahan ang Rice Tariffication Law para maibaba ang presyo ng bigas.

Sa panayam kay Romualdez sa pagbubukas ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Zamboanga nitong Miyerkoles, sinabi nito na target nilang maipasa ang panukalang batas bago ang sine die adjournment ngayong Mayo.

“Opo maipapasa natin iyan, dahil ang taas ng presyo ng bigas, naghahanap kami ng lahat ng paraan kung paano natin maibababa ang presyo ng bigas para sa abot-kayang presyo sa taumbayan,” saad ni Romualdez.

Kaya naman paghihimok ni Romualdez sa Senado ay aksyunan na rin nila ang Rice Tariffication Law.

“So panawagan natin ang Senado, sana naman gagawin nila rin na urgent. Kaya kami po, miski ise-certify na urgent ng Presidente, by next week malamang tapos na kami sa House, at so ipagdadasal din namin ang success sa Senado,” dagdag pa ni Romualdez.

Sa Kamara ay pumasa na sa House Committee on Agriculture and Food ang panukalang batas.

Layon ng Rice Tariffication Law na bigyan muli ng mandato ang National Food Authority (NFA) na magbenta ng murang bigas.