Romualdez nanawagan: Protektahan mga mangingisda sa WPS!

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang panawagang protektahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang panawagang protektahan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Romualdez sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard, dapat masiguro ang kalayaan at seguridad ng bawat Pilipino na mangisda.

Ito ay matapos ang banta ng China na huhulihin ang sinumang magte-trespass sa South China Sea, na bahagi rin ng WPS.

“Gawin sana ng ating Navy at Coast Guard natin ang lahat to make sure na walang mangingisda natin ang mahuhuli nila sa mismong teritoryo natin,” ani Romualdez.

“Hindi tayo papayag na basta na lang huhulihin nila ang mga kababayan natin na naghahanap-buhay lang sa karagatan ng ating bansa,” dagdag pa nito.

Aniya, hindi umano papayag ang pamahalaan na may makulong na mangingisdang Pilipino na naghahanapbuhay lang.

“We cannot afford to lose even just one fisherman to them who is simply making a living in our own waters,” wika ni Romualdez.