Romualdez namudmod ng ayuda sa Leyte

Nakatanggap ang mga taga-Palo, Leyte ng cash assistance mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Nakatanggap ang mga taga-Palo, Leyte ng cash assistance mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa pamamagitan ng Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) program, nasa 1,000 na indibidwal ang nakakuha ng tulong.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, pinangunahan ng the ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalianang pamamahagi ng ayuda.

Kasama rin sa mga tumulong ay si Tingog Partylist Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre; at Mayor Remedios “Matin” Petilla.

Sinabi ni Romualdez na patuloy ang administarsyon sa pagsisiguro na maibigay ang pangangailangan ng mamamayan ng bansa.