Romualdez namigay 17 solar pump sa Isabela

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng 17 solar pumps sa Isabela ngayong Lunes, Hunyo 10.

Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng 17 solar pumps sa Isabela ngayong Lunes, Hunyo 10.

Mahalaga kasi umano ang irigasyon sa pagtatanim ng palay, mais, at iba pang produktong agrikultural, hindi lamang sa Isabela kundi pati na rin sa ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Romualdez, layon ng pamimigay na ito na tulungan ang mga magsasaka na madoble ang kanilang ani sa loob ng isanv taon.

“We have to help our farmers with irrigation and other farm inputs like fertilizer and seeds so they can increase their produce. They should aim to double it,” saad ni Romualdez.

“This means that they can have at least two crops a year. That’s double their harvest if they plant their crop only during the rainy days, which is really the case in farming areas that do not have irrigation,” dagdag pa nito.

Aniya, mapapabilis nito ang pagtupad ng layunin ng administrasyon na makamit ang sapat na suplay ng pagkain at seguridad sa bansa.

“That would also ease rice and food inflation, resulting in lower prices for the staple and other agricultural products for the benefit of all Filipinos,” dagdag pa nito.

Ang proyekto ay binubuo ng isang pumping station, 1,056 solar panels na kayang mag-produce ng 739,000 watts ng kuryente, at dalawang submersible pumps na may output na 2,800 gallons kada minuto.