Romualdez nakakuha mataas na trust rating

Nakakuha si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng mataas na trust rating sa isinagawang OCTA survey.

Nakakuha si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng mataas na trust rating sa isinagawang OCTA survey.

Dito, nakakuha si Romualdez ng 61 porsyentong trust rating para sa unang quarter ng 2024.

Ang rating na ito ay hindi umano nagbago ayon sa statistics mula noong huling kwarter ng 2023.

Todo pasasalamat naman si Romualdez sa lahat ng nagtiwala sa kanyang pamumuno bilang House Speaker.

“I am deeply humbled and grateful to the Filipino people for their continued trust and support as reflected in the recent OCTA survey. With a trust rating of 61%, the results show that the majority of our citizens have confidence in our efforts to lead and serve the nation effectively,” pahayag ni Romualdez sa Facebook.

Aniya, sisiguraduhin nila na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay mas matatatag ang pgkakaisa ng bawat Pilipino.

“Moving forward, we remain committed to transparency, accountability, and service excellence. We will continue to work hard to earn the trust of every Filipino, ensuring that their voices are heard and their needs are met,” dagdag pa nito.

TINGNAN: