Romualdez, nagpasalamat sa high satisfaction rating; nangakong tutugunan ang mga problema ng bansa

Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipino sa natanggap na mataas na trust at satisfaction rating ng House of Representatives.

Pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino sa pagtanggap ng House of Representatives ng mataas na satisfaction at trust ratings batay sa mga resulta ng survey na isinagawa OCTA Research na nilabas kamakailan.

“I thank our people for recognizing the work we do at the House of Representatives for them and the nation under the Marcos administration,” ani Romualdez sa isang pahayag na inilabas ng Kamara nitong Linggo, Setyembre 10.

Sinabi pa ni Romualdez na lubos siyang nagpapasalamat na pinahahalagahan ng publiko ang mga hakbanging pinatutupad niya at ng Kamara upang suportahan ang prosperity agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“We have already made some headway, and we will carry on with those tasks with more vigor until we have achieved the goals we have set out to do,” dagdag ni Romualdez.

Nangako rin si Romualdez tutukan ng Kamara ang pagpapatatag ng presyo ng bigas, sibuyas, at iba pang pagkain, pati na rin ang presyo ng mga basic necessities.